Classic Call and Text Phones ng Starmobile Patok Pa Rin - Starmobile
20826
post-template-default,single,single-post,postid-20826,single-format-standard,ajax_fade,page_not_loaded,,qode-title-hidden,qode-child-theme-ver-1.0.0,qode-theme-ver-10.0,wpb-js-composer js-comp-ver-4.12,vc_responsive

Classic Call and Text Phones ng Starmobile Patok Pa Rin

Starmobile UNO Series Classic Phones

[07 Dec 2017] Hindi maipagkakaila na parami nang parami ang gumagamit ng smartphones sa Pilipinas. Dahil maraming nagagawa ang mga mobile devices tulad nito, maraming Pilipino na ang nag-upgrade sa kagustuhang makapag-browse, Facebook, Twitter, at maka-enjoy ng iba pang activities sa internet.

Ngunit ayon sa Pinoy phone brand na Starmobile, marami pa rin ang tumatangkilik sa mga tinatawag na “Classic Phones” o mga teleponong pang-tawag at pang-text.

“Kahit 2017 na, may advantage pa rin ang Classic Phones” ayon kay Ardie Balderrama, Sales and Marketing Head ng Starmobile. “Karaniwang mas matagal ang battery life ng mga classic phones, mas madaling intindihin at gamitin, mas madaling i-maintain, at mas mura.”

Naglabas ang Starmobile ng mga bagong call-and-text phones na maganda ang porma habang nananatiling magaan sa bulsa. Sa tibay ng pagkakagawa at sa haba ng kanilang battery life, hindi nakapagtataka kung bakit patok pa rin ang call-and-text phones sa Pilipinas. At dahil gawang Starmobile, tiyak na international standards ang kalidad.

Maraming pagpipilian

Ilan sa mga pwedeng pagpilian ay ang Starmobile UNO B208 at B308 na gawa mismo sa Pilipinas, ang UNO B307 na may radyo at malakas na “PocketPunch” speakers, ang UNO B309 na madaling bitbitin para sa mga commuter, at ang UNO B510 na may “TrafficBuster” TV para sa mga araw-araw bumibyahe sa traffic.

STAR-TAGAL Christmas Promo

Bukod pa sa panalong mga produkto, may promo din ang Starmobile ngayong Pasko. Hanggang Disyembre 31, 2017, maaaring manalo ng mga bagong Starmobile phones, appliances, Toyota Wave, Toyota Wigo o Toyota Innova, o di kaya ay 1 milyong piso TAX FREE, tuwing bibili ka ng kahit anong Starmobile na telepono, tablet, o laptop. Sikat ka na sa ganda ng phone mo, maaari ka pang maging milyunaryo ngayong Pasko!

Para sa karagdagang impormasyon, hanapin lang ang Starmobile sa www.starmobile.ph o sa Facebook  https://www.facebook.com/starmobilephones/. [END]

Happy Man
info@starmobile.com.ph
No Comments

Post A Comment